Kasunduan para sa voluntary regularization ng mga manggagawa, lalagdaan ng DOLE at ECOP

Manila, Philippines – Lalagda sa isang kasunduan ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Employers Confederation of the Philippines (ECOP).

Ito ay para sa voluntary regularization ng mga manggagawa ng ECOP member companies.

Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr. – inaasahang magkakaroon ng pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) bukas, February 08.


Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III – sakop ng voluntary regularization plan ang higit 3,200 establishment kung saan karamihan ay ECOP members.

Dagdag pa ni Bello – uumpisahan ang voluntary regularization plan ngayong buwan at nasa 200,000 manggagawa ang inaasahang mare-regular sa kanilang trabaho.

Tiwala ang kalihim na tutuparin at susunod ang ECOP sa lalagdaan nilang kasunduan.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng kampanya ng gobyerno na solusyonan ng illegal contractualization.

Facebook Comments