KASUNDUAN | Rehabilitasyon ng MRT-3, isinasapinal na

Manila, Philippines – Isinasapinal na ng gobyerno ng Pilipinas at Japanese government ang kasunduan para sa rehabilitasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways TJ Batan – nasa huling stage na ng palitan ng note verbale ang dalawang gobyerno.

Kabilang sa kasunduan ang pagbibigay ng grant para sa pagpapaigi ng serbisyo ng tren.


Batid ng ating gobyerno ang kwalipikasyon ng Japan pagdating sa railway system.

Maganda rin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kahit anong proyekto.

Gayunman, susundin ng Pilipinas ang panuntunan sa procurement at bidding process pagdating ng service provider.

Facebook Comments