Kasunduan sa agriculture, food at maritime security, inaasahang masi-selyuhan sa Brunei state visit ni PBBM sa susunod na linggo

 

Kasado na ang magkasunod na biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Brunei Darussalam at Singapore sa susunod na linggo.

Sa departure briefing sa MalacaƱang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Teresita Daza na babiyahe ang pangulo sa Martes, May 28, para sa unang state visit nito sa Brunei hanggang 29 kasama si First Lady Liza Araneta Marcos.

Magkakaroon ng bilateral meeting ni Pangulong Marcos at Brunei Sultanate Hassanal Bolkiah, kung saan inaasahang malalagdaan ang ilang memorandum of understanding para sa pagpapalakas nga agrikultura, food security, maritime at security.


Susundan ito ng meeting sa Filipino Community kung saan tinatayang nasa 20,000 na mga Pilipino ang naninirahan sa naturang bansa at ng business forum.

Samantala, mula sa Brunei ay didiretso si Pangulong Marcos sa Singapore para sa isang working visit sa May 31.

Magiging keynote speaker ang Pangulo sa 21st edition ng The International Institute for Strategic Studiess o IISS na Shangri la Dialogue 2024.

Ayon kay DFA ASec. Aileen Mendiola-Rau, si Pangulong Marcos ang unang Pangulo ng Pilipinas na inimbitahan sa tinaguriang Asia’s premier defense summit.

Sa naturang dialogue magsasama ang mga defense ministers, military leaders, senior defense officials, gayundin ang mga state leader at security expert mula sa 40 bansa.

Maliban sa kanyang speaking engagement, makikipag kita rin ang pangulo sa bagong Presidente at Prime Minister ng Singapore.

Facebook Comments