Kasunduan sa edukasyon, air services, at laban kontra krimen, nilagdaan ng Pilipinas at Cambodia

Sinaksihan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Manet ang pagpirma ng tatlong mahahalagang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia.

Unang nilagdaan ang pagbabago sa kasunduan ng Philippine National Police at Cambodian National Police para palakasin ang laban kontra transnational crimes, kabilang ang human trafficking, arms trafficking, at cybercrime.

Nilagdaan din ang kasunduan sa pagitan ng Commission on Higher Education at Ministry of Education ng Cambodia para palawakin ang palitan ng kaalaman at pagsasanay sa agham, teknolohiya, at iba pang larangan ng higher education.

Habang naselyuhan din ang isang Air Services Agreement na magbubukas ng mas maraming biyahe at code-sharing sa pagitan ng mga airline ng dalawang bansa, kasama ang karapatang magdala ng pasahero at kargamento sa mga third destinations.

Ang mga kasunduang ito makatutulong sa Pilipinas at Cambodia hindi lang sa seguridad, kundi pati na rin sa edukasyon at ekonomiya na layong maghatid ng mas matatag na kaunlaran sa rehiyon.

Facebook Comments