Nakikipag-usap na si National Action Plan Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., sa mga pribadong kompanya at pharmaceutical companies para sa paglalagay ng cold storage chain na pag-iimbakan ng COVID-19 vaccines.
Sa Press Briefing sa Malacañang, sinabi ni Galvez na ilalatag nila ang consortium agreement para rito sa pagitan ng Zuellig at Unilab.
Ayon kay Galvez, may existing nang cold chain facilities ang pharmaceutical companies na ito at kukuhanin na lamang ang kanilang serbisyo para mas madali kumpara kung magpapatayo pa nito ang gobyerno.
Sa ngayon, sinabi ni Galvez na mayroon na ring existing special task group on vaccine development na pinangangasiwaan ng Department of Health (DOH), Food and Drug Administration (FDA) at Department of Science and Technology (DOST) para mag-asikaso sa kaligtasan ng gagamiting bakuna at mayroon na ring special task group on vaccine procurement.