Binabalangkas ngayon ang isang memorandum of agreement sa pagitan ng mga grupo ng mga magsasaka at Bureau of Customs (BOC).
Ayon kay Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat, layunin ng ugnayan na ito na masawata ang vegetable smuggling sa bansa matapos ang ulat ng paglaganap ng mga smuggled na gulay mula sa China.
Sa pulong kasama si BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero ay nagkasundo aniya sila na pagtulungan ang isyu sa pagpupuslit ng imported na gulay na nakakaapekto sa mga lokal na magsasaka.
Naniniwala si Cabatbat na kailangan ng multi-pronged approach upang tugunan ang naturang isyu at mapalakas ang sistema laban sa smuggling.
Kasabay nito ay itinutulak na rin nila sa Kamara na maimbestigahan ang biglang pasok at pagdami ng imported na gulay sa merkado.