Kasunduan sa palitan ng lupa sa programa para sa mga PDL, nilagdaan ng BuCor at UP

Nilagdaan ng Bureau of Corrections (BuCor) at University of the Philippines (UP) ang isang memorandum of understanding (MOU).

Ito’y para sa paggamit ng 500 ektaryang lupa na gagamitin ng BuCor ang bahagi ng lupa ng UP sa Laguna-Quezon Land Grant para sa itatayong Regional Prison Facility.

Habang kapalit naman nito ang paggamit ng UP sa lupa ng BuCor sa Iwahig, Puerto Princesa City.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. mayroon din silang nilagdaan na isang memorandum of agreement (MOA), UP Open University (UPOU), at UP Alumni Association (UPAA) para naman sa pagbibigay ng libreng online education at pagsasanay sa mga tauhan ng BuCor at Persons Deprived of Liberty (PDL).

Ang naturang inisyatiba ay bahagi na rin ng paghahanda sa pagsasara ng New Bilibid Prison sa 2028.

Facebook Comments