Manila, Philippines – Pormal nang nalagdaan ang kasunduan sa plebisito para sa Bangsamoro Organic Law.
Sa isang seremonya sa Commission on Elections, nilagdaan nina COMELEC Commissioner Al Pareno, Philippine National Police Chief Oscar Albayalde at Armed Forces of the Philippines Lt. Gen Benjamin Madrigal ang Memorandum of Agreement.
Nakapaloob dito na isasagawa ang unang araw ng plebesito sa January 21, 2019 para sa mga lalawigan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao, Isabela City sa Basilan, at Cotabato City.
At sa February 6 ng 2019 gagawin ang plebesito para sa Lanao del Norte, maliban sa Iligan City; Kasama rin sa Plebesito ang munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit, at Pigkawayan sa lalawigan ng pNorth Cotabato.
Sa plebsito, pagbobotohan ng mga rehistradong botante sa mga lugar na balak saklawin ng Bangsamoro Autonomous Region kung nararapat ba itong ratipikahan o pahintulutan.