Kasunduang aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, fake news at hindi na dapat patulan ng publiko – DND

Tinawag na “fake news” ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro ang impormasyon hinggil sa umano’y kasunduan ng Pilipinas at China na aalisin ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal.

Sa media briefing sa Zambales kahapon, umapela si Teodoro sa publiko na huwag nang patulan ang “propaganda” na nagiging dahilan lang ng pag-aaway-away ng mga Pilipino.

Sa halip, suportahan na lang aniya ang mga hakbangin ng pamahalaan sa pangangalaga at pagprotekta sa territorial rights ng bansa.


Una nang pinabulaanan ni Pangulong Bongbong Marcos at ng mga nagdaang administrasyong Estrada, Arroyo at Duterte na sila ang nangako sa China na aalisin ang nakasadsad na barko sa Ayungin Shoal.

Facebook Comments