Lumagda na ang Pilipinas at ang UN Office of Counter-Terrorism (UNOCT) ng Memorandum of Understanding (MOU) upang mahanap ang mga terorista at kriminal na bumibiyahe sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa inilabas na pahayag ng UNOCT, sa ilalim ng Countering Terrorist Travel Program ay tutulong ang mga miyembro ng estado mapaunlad ang kakayahan upang makilala at maharang ang mga nasabing kriminal.
Habang nakapaloob din dito na dapat mayroon pa ring pagsunod sa existing laws at human rights standards.
Pagtitiyak naman ni UNOCT Under-Secretary-General Vladimir Voronkov, ito ang magbibigay kapangyarihan sa United Nations upang matulungan ang Pilipinas na makilala ang mga terorista na namamalagi sa loob ng bansa.
Ang kasunduan ay nilagdaan online nina Voronkov at ni Ambassador Enrique Manalo, Philippines Permanent Representative to the UN.