Kasunduang kikilala sa lahat ng bakuna sa listahan ng WHO, pinaplanong gawin ng Malakanyang

Maghahanap ng isang international agreement ang Pilipinas na layong kilalanin ang lahat ng bakunang kasama sa emergency use list ng World Health Organization (WHO) na kailangan para sa pagbiyahe sa ibang bansa.

Kasunod ito ng binabalak na pagpapatupad ng “vaccine passports” ng ilang dayuhang bansa para maging madali sa mga mamamayang nabakunahan na kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon ang mga bansa na mamili ng mga bakunang itinurok sa mga biyaherong magtutungo sa kanila dahil posibleng magbunga ito ng pagkakawatak-watak.


Pinaplano naman ng gobyerno ang pagbuo ng isang international agreement na magiging daan upang masolusyunan na ang posibleng maging bunga ng pagpapatupad ng vaccine passports.

Matatandaang sa mga bansa sa buong mundo, isa ang European Union sa mga umano’y nagbabalak na buksan na ang kanilang bansa para sa mga dayuhan kung saan tanging ang mga EU-approved coronavirus shots lamang ang papayagan tulad ng Pfizer, Moderna, AstraZeneca at Johnson & Johnson.

Facebook Comments