Nilagdaan na Pilipinas at Kuwait ang kasunduang magbibigay proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) kontra pang-aabuso sa gulf state.
Nanguna sa paglagda sina Department on Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Claro Arellano at Kuwait Assistant Foreign Minister for Consular Affairs Sami Al-Hamad para sa harmonized standard employment contract ng mga OFWs.
Nakapaloob sa kontrata ang mga guidelines sa pasaporte, tamang paggamit ng kanilang cellphone at iba pang kondisyon sa kanilang mga employer.
Maliban dito, sinabi din ni Labor Secretary Bello na nangako rin ang Kuwaiti officials ng hustisya para kay Pinoy worker na si Jeanelyn Villavende.
Matatandaang namatay si Villavende sa kamay mismo ng kanyang mga amo na ngayon ay nakasuhan na ng murder.