Kasunduang nagpoprotekta sa mga migrant workers, nilagdaan ng ASEAN Leaders

Manila, Philippines – Nilagdaan na ng ASEAN leaders ang landmark agreement on the protection of migrant workers.

Sa ilalim ng “ASEAN consensus on the protection and promotion of the rights of migrant workers,” layon nitong na protektahan ang karapatan ng mga manggagawa sa ibayong dagat.

Kabilang sa mga nilalaman ng naturang kasunduan ay ang tamang pagtrato sa mga migranteng manggagawa anuman ang kasarian o lahi nito.


Papayagan na rin ang mga migranteng manggagawa na mabisita ang kani-kanilang mga pamilya nang hindi kinukumpiska ang kanilang mga pasaporte.

Nakasaad din ang pagbibigay proteksyon sa mga migranteng manggagawa laban sa pang-aabusong seksuwal, mental at pisikal gayundin sa karahasan.

Facebook Comments