Kasunduang Pinasok Ni P-Duterte Sa China, Pinahihimay Ng Ilang Kongresista

7

MANILA – Pinahihimay ng ilang kongresista mula sa supermajority ang mga kasunduang pinasok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.Ayon kay COOP-NATCO PL Rep. Anthony Bravo, dapat isapubliko ni Pangulong Duterte ang lahat ng pinasok niyang kasunduan, pati na ang mga investment na ipapasok sa bansa ng mga Chinese businessman.Dapat lang aniyang makita ng lahat ang detalye ng mga bagong transaksyon na pinasok ng gobyerno.Sinabi pa ni Bravo na lubog na lubog na sa utang ang Pilipinas kaya kailangang matiyak na mapapakinabangan ng mga Pilipino ang mga kasunduan sa China.

Facebook Comments