Kasunod ng implementasyon sa Lunes ng “no vaccination, no ride” policy; PNP-HPG, magbibigay ng one-week warning sa mga hindi bakunado!

Sa pagsisimula sa lunes ng “no vaccination, no ride” policy sa National Capital Region, inihayag ngayon ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na kanilang sisitahin o babalaan muna ang mga commuter na hindi pa bakunado.

Ayon kay PNP-HPG NCR Chief Police Lieutenant Colonel Joel Mendoza, sa unang linggo ng pagpapatupad ng polisiya ay babalaan muna nila ang mga unvaccinated individual at hindi titikitan.

Pero binigyang-diin ni Mendoza na hindi pa rin pasasakayin at pauuwiin na agad sa kanilang mga bahay ang mga ito.


Jan. 11, 2022 ng ipalabas ng Department of Transportation (DOTr) ang Department Order No. 2022-001 na naglilimita sa mga unvaccinated individual na maka-access sa lahat ng pampublikong transportasyon sa NCR.

Facebook Comments