Kasunod ng mga validation sa regional offices, umabot na ngayon sa P2.1 bilyong ang pinsala ni Bagyong Maring sa agrikultura

Partikular na apektado ang tanim na palay, mais, high value crops, livestock, at palaisdaan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at SOCCSKSARGEN.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), 101,818 metric tons na agriculture products ang nasira sa 85,744 na hektarya ng lupain.

Tiniyak naman ng DA na pagkakalooban ng tulong ang nasa 76,442 na magsasaka at mangingisda.


May nakalaan na P1.5 bilyong na halaga para sa interventions and assistance, P172-M na halaga ng Quick Response Fund para sa pagsasaayos ng mga sinira ng bagyo, may ipapaamahagi rin na mga buto ng palay at mais para sa pagbangon ng magsasaka at gamot at bitamina naman para sa mga alagang hayop at isda.

Facebook Comments