Taiwan – Tumama na sa kalupaan ng Taiwan ang Bagyong Gorio na may international name na ‘Nesat’ habang patuloy ang pagkilos nito palabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ito sa layong 555 km sa hilaga ng Basco, Batanaes at kumikilos ng pahilagang-kanluran sa bilis na 15 km per hour.
Samantala, papasok na rin ngayong araw sa bansa, ang binabantayang tropical storm ng PAGASA na tatawaging ‘Huaning.’
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang nasabing bagyo na noong una ay tropical depression lamang at may international name na ‘ Haitang’ sa layong 385 kilometro sa kanluran, timog-kanluran ng Basco, Batanes.
Patuloy na palalakasin ng dalawang bagyo ang hanging habagat na magdadala ng tag-ulan sa Western section ng Northern at Central Luzon.