Kasunod ng pagpapatibay ng SC ng Martial Law sa Mindanao, New People’s Army kasama na rin sa target na sakop ng Batas Militar

Manila, Philippines – Target na rin ng martial law ang rebeldeng grupong New People’s Army.

Sa Mindanao Hour kanina, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na kasama na rin sa tinututukan ng militar ang NPA dahil na rin sa ginagawang pag-atake ng mga ito laban sa mga tropa ng gobyerno.

Gayunman, nilinaw ni Padilla na kahit target na rin ng martial ang NPA, hindi pa rin titigil ang gobyerno sa pagsusulong ng peacetalk sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo.


Samantala, base sa huling tala ng AFP, umabot na sa 467 ang bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na gulo sa Marawi City.

Kabilang rito ang 343 sa panig ng Maute Group, 85 sa tropa ng gobyerno at 39 sa panig ng mga sibilyan.

Nabatid naman na 17 sa mga sibilyan ay natagpuang pugot ang ulo.

Facebook Comments