Kasunod ng umiinit na tensyon sa Korean Penisula – US, iginiit na hindi sila kaaway ng NoKor

World – Iginiit ngayon ni US Secretary of State Rex Tillerson na hindi sila kaaway ng North Korea.

Kasunod na rin ng patuloy na pag-init ng tensyon sa Korean Peninsula.

Ayon kay Tillerson, hindi nila hinahangad na magkaroon ng pagbabago sa pamamahala ng NoKor.


Anya ang Amerika pa nga ang nag-aalok ng dayalogo sa North Korea.

Sabi ng kalihim, ang NoKor ang nagbabanta sa Amerika kaya’t kinakailangan lamang nilang tumugon sa bantang ito.

Facebook Comments