Katagalan ng panahon sa serbisyo, dapat maging batayan sa paghirang ng bagong chief justice – Atty. Larry Gadon

Manila, Philippines – Sang-ayon si Atty. Larry Gadon na ang susunod na chief justice ay dapat manggaling sa kung sino ang mas may pinakamahabang panahon na naglilingkod sa hudikatura o government service.

Aniya, maliban kay acting Chief Justice Antonio Carpio na una nang tumanggi na maisama sa nominasyon, Most Senior Justice din sina Presbitero Velasco Jr. Teresita De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin at Mariano Del Castillo.

Idinagdag ni Gadon na kabilang din sa pamantayan dapat sa paghirang ng magiging punong mahistrado ay ang malalim na karanasan sa larangan ng pagtatanggol legal at ang di matatawarang taglay na edukasyon sa batas.


Nakilala si Gadon bilang siyang nagsampa ng impeachment case sa House Committee on justice laban kay Ma. Lourdes Sereno.

Sa proseso ng impeachment hearing lumabas na hindi nakatugon si Sereno sa ilang requirement partikular ang hindi paghaharap ng Statement of Assets and Liabilities Net Worth (SALN) na naging batayan naman para mapatalsik ito sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Ayon kay Gadon, balik na siya sa normal na buhay. Wala naman aniyang nagbago maliban sa dumami na ang gustong magpa selfie sa kaniya.

Facebook Comments