Katangian ng senate president, inilatag ni Senator Sotto

Magreretiro na sa Mataas na Kapulungan si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

At sa harap ng mga pangalang lumulutang na posibleng pumalit sa kanya ay inilatag ni Sotto ang katangian ng dapat mamuno sa Senado.

Diin ni Sotto, ang senate president ay dapat may mastery ng parliamentary rules & procedures.


Ayon kay Sotto, dapat din ay kaya nitong itaguyod ang desisyon ng nakakaraming mga senador.

Binanggit ni Sotto na mahalagang katangian din ng pangulo ng Senado ang pagiging independent minded, istrikto pero may malasakit.

Mahalaga rin para kay Sotto na katulad nya ay palagi itong present sa Senado at hindi nali-late.

Binanggit ni Sotto, na 9 na senate president ang kanyang inabutan kaya naman siya ay nahasa para mamuno rin sa mataas na kapulungan.

Facebook Comments