KATANGIAN | P-Duterte: Itatalagang mga opisyal ng PCUP, kailangang mahirap pero matalino

Manila, Philippines – Mahirap pero matalino, ito ang katangiang hinahanap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa papalit sa sinibak na mga opisyal ng Presidential Commission for the Urban Poor o PUCP.
Matatandaan na katiwalian at hindi pagganap sa kanilang trabaho ang dahilan ni Pangulong Duterte kaya nito sinibak si Chairman Terry Ridon at ang 4 na commissioners nito kabilang ang pinsan ng partner ni Pangulong Duterte na si Honeylet Avancena na si Melissa Avanceña Aradanas.
Ayon kay Pangulong Duterte, isang tunay na mahirap at may angking talino at alam ang kalagayan ng mga mahihirap na Pilipino ang kanyang hinahanap at siyang ilalagay sa nasabing komisyon.
Paliwanag ni Pangulong Duterte, kailangang mapangalagaan ang pondo ng taumbayan at matiyak na mapupunta sa tunay na mahihirap na mga Pilipino imbes na gastusin sa mga biyahe sa labas ng bansa.
Kung sino aniya ang mayroong kilalang mayroon ng kanyang hinahanap na katangian ay agan na sabihin sa kanya at ito ay agad niyang itatalaga.

Facebook Comments