Katapangan at kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio, kinilala ni PBBM ngayong Bonifacio Day

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio ngayong ika-161 na kaarawan nito.

Sa mensahe ng pangulo, sinabi nitong marapat lamang na kilalanin ang bayaning bumangon at lumaban sa pang- aabuso sa kapangyarihan at nanguna sa katipunan.

Ayon sa pangulo, ang katapangan ni Bonifacio ay nagbigay ng liyab nsa Philippine revolution na nagbunga sa pagkakaisa ng bansa upang labanan ang mga mananakop.


Hinimok din ng pangulo ang lahat na bigyan ng mas malalim na pakahulugan ang sakripisyong ginawa ni Bonifacio para mapalaya ang bansa sa pamamagitan pakikibahagi na labanan ang kagutom, korupsiyon, kriminalidad at iba pang sakit ng lipunan.

Magsilbi rin sana aniya itong gabay sa pagiging makabayan, disiplinado at may pagmamahal sa bawat isa para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa.

Facebook Comments