Katapangan, katapatan at integridad, magiging gabay ni Senator Lacson sa pagharap sa isyu ng bansa

Katapangan, integridad at katapatan ang magiging gabay ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pagharap sa mga suliranin ng bansa sakaling palarin na mahalal sa pagka-pangulo sa 2022.

Para kay Lacson, ito ang mga katangian ng isang lider na napulot niya bilang miyembro ng Philippine Military Academy o PMA Matatag Class of 1971 na magiging mahalaga sa pakikibaka laban sa mga samu’t saring isyu ng bansa.

Mensahe ito ni Lacson sa kaniyang pagdalo sa ika-50 anibersayo ng PMA Class 1971.


Sa PMA din nahasa ni Lacson ang kaniyang brand of leadership by example at ang kaniyang prinsipyo sa buhay na “What is right must be kept right, what is wrong must be set right”.

Sa kasalukuyan, nakikita ni Lacson na may malaking papel pa ang gagampanan ng mga miyembro ng PMA sa mangyayaring “digital renaissance” sa bansa sa susunod na tatlong taon.

Pangunahing halimbawa ni Lacson ang kauna-unahang National Cyber Defense Academy at ang pinakamalaking intelligent network sa pamamagitan ng Project Lightning sa Baguio City.

Pinuri rin ni Lacson ang Smart City Command Center sa Baguio na kanyang binisita nitong Biyernes na parte ng magandang plano ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na magkaroon ng digital governance para mabuksan ang marami pang oportunidad sa siyudad.

Facebook Comments