Katapatan at pagtindig para sa interes ng bayan, naging batayan ni PBBM sa pagpili ng 12 eendorsong senador sa 2025

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga katangian ng 12 kandidatong napili niyang i-endorso sa pagka-senador para sa 2025 midterm elections.

Ayon sa pangulo, pinagsama-sama ang labindalawang pinaka-magigiting na Pilipino na may taglay na sipag at galing para maging pinuno.

Naniniwala aniya siyang titinding ang mga ito para sa interes ng bayan at para sa kapakanan at karapatan ng publiko.


Tiwala rin ang pangulo na mapananatili nila kanilang katapatan sa bansa, at ito umano ang mga katangiang kaniyang pinag-isipan sa pagpili ng mga kandidato.

Samantala, kinontra naman ni Pangulong Marcos ang paniniwala ng marami na ang halalan ay panahon ng pagkakabitak-bitak at pagsisiraan, dahil kabaligtaran ang araw na pinag-isa ang pinakamalawak na pwersa ng taumbayan sa pagsasanib-pwersa ng mga partido.

Facebook Comments