KATAPATAN NG MGA MANGINGISDANG NAGSUKO NG MGA FLOATING SHABU, KINILALA SA PANGASINAN

Kinilala ang 57 mangingisda mula sa tatlong bayan sa Pangasinan na boluntaryong nagsuko ng mga sako ng shabu na kanilang natagpuang palutang-lutang sa dagat na sakop ng probinsya.

 

Bilang gantimpala, tumanggap sila ng grocery items, cash assistance, at sertipiko mula sa pamahalaang panlalawigan.

 

Pinuri sila ng mga opisyal ng lalawigan at mga ahensyang sangkot sa kampanya kontra droga sa kanilang katapangan at malasakit sa komunidad.

 

Ayon sa mga awtoridad, nailigtas ng mga mangingisda ang kanilang mga bayan sa posibleng kapahamakan dulot ng iligal na droga.

 

Matatandaan na noong Hunyo 5 hanggang 8, 2025, nadiskubre at isinuko ng mga mangingisda ang mahigit 1,000 pakete ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng apat na bilyong piso.

 

Dumalo sa seremonya ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, PDEA, PNP, Philippine Navy, at Coast Guard. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments