Katatagan at pagbangon ng bansa at mamamayang Pilipino mula sa krisis, Christmas wish ni Senate President Tito Sotto III

Binigyang-diin ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na sa kabila ng mga pagsubok sa buhay dulot ng maraming suliranin at sakuna ay tuloy pa rin ang Pasko.

Dalangin ni SP Sotto na isa-puso ng bawat isa ang tunay na diwa ng Pasko, hindi sa pagbibigay ng mamahaling regalo o laruan, kundi sa pagpapakita ng pag-ibig at pang-unawa sa kapwa.

Pangunahin din sa Christmas Wish ni SP Sotto ang pagbangon ng ating bansa at ng mamamayang Pilipino mula sa krisis at matitinding pagsubok na ating kinakaharap.


Tiwala si Sotto na mananatiling matatag ang bawat isa at umaasa siya na magiging mapayapa at ligtas ang pagdiriwang ng lahat ng pasko sa kabila ng maraming restrictions o pagbabawal bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Facebook Comments