Katatagan ng mga gusali at transport infrastructure laban sa lindol, pinapatiyak ng liderato ng Senado

 

Kinalampag ngayon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, lalo na ang Department of Public Works and Highways o DPWH.

 

Ito ay para tiyakin ang integridad o katatagan ng mga gusali at transport infrastructure sa buong bansa laban sa mga malalakas na lindol.

 

Ayon kay Recto, dapat paghusayin ang batayan ng kalidad ng mga gusali at mga istraktura sa sektor ng transportasyon tulad ng MRT, LRT at mga paliparan, para matiyak ang kaligtasan ng publiko at mga pasahero.


 

Tinukoy ni Recto na dapat itong gawin dahil tayo ay nasa Ring of Fire.

 

Kasabay nito, pinaglalatag din ni Recto ang gobyerno ng hakbang para lubusang maihanda ang mamamayan sa pinanganambahang pagtama ng napakalakas na lindol o ang tinatawag na “The Big One.”

Facebook Comments