Katatagan ng mga gusali sa Metro-Manila, binusisi ng Kamara

Nagsagawa ng oversight hearing ang Kamara para alamin ang kalagayan ng mga gusali sa Metro Manila kasunod na rin ng mga nangyaring lindol nitong Linggo.

 

Kasabay ng pagdinig para sa paglalatag ng budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH), napagalaman na tinatayang aabot sa 3,000 Public buildings sa Metro-Manila ang kailangang mainspeksyon habang prayoridad naman na masuri ng ahensya ang mga vulnerable na gusali.

 

Tiniyak naman ni DPWH Asec. Antonio Molano na matatag ang mga gusali kasama ang mga pampublikong paaralan.


 

Siniguro din ng ahensya ang katatagan ng mga tulay na naretrofit noon pang 2013.

 

Iniulat din ng DPWH na may dalawang gusali nang naunang hindi pumasa sa Tondo ang nademolish na at ginawan na ng paraan para tumibay.

 

Aabot na rin sa 14 mga contractors ang naisalalim na sa black list dahil sa bagal na matapos ang mga proyekto.

Facebook Comments