Katawan ng 4 Katao na Natabunan ng Lupa sa Baggao, Cagayan, Natagpuan na

43

Cauayan City, Isabela- Natagpuan na ang katawan ng apat na magkakasambahay na nadaganan ng gumuhong lupa sa Sitio Tueg, Brgy. Bitag Grande, Baggao, Cagayan.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Baggao Information Office, kaninang madaling araw (November 13, 2020) nang matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang tahanan sa nasabing Barangay.


Sa bilis nang pangyayari, hindi na nakalabas ang mga biktima at kaninang alas 7 ng umaga ay narekober ng rescue team ang bangkay ng apat.

Kinilala ang mga biktima na sina Frank Joy Pagulayan (19), King Kim Bragasin, (18), Philip Pagulayan (17) at isang senior citizen na si Virginia Bautista (60).

Facebook Comments