Katawan ng Babae, Natagpuang Patay sa Gilid ng Kalsada

456

Cauayan City, Isabela- Natagpuan sa gilid ng kalsada ang wala ng buhay na katawan ng isang babae kaninang umaga sa Pattaui St. Brgy. Ugac Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon kay PLT. Franklin Cafirma, tagapagsalita ng PNP Tuguegarao City, hindi pa rin matukoy sa ngayon ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa 30-40 ang edad at may taas na 5’5” na natatakpan ng sako ang katawan.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, may saksak sa kanang tagiliran ng katawan ang biktima at may sugat sa kanang mukha nito na halos hubad at posibleng ginahasa ng hindi pa matukoy na salarin.

Isang kawani ng LGU Tuguegarao ang nakakita sa biktima nang mapadaan ito sa nasabing lugar.

Dagdag pa ni Cafirma, posibleng itinapon lang sa lugar ang babae dahil walang indikasyon ng panlalaban ang biktima.

Hinihimok naman ni Cafirma na makipag-ugnayan ang sinuman sa pulisya para sa posibleng pagtukoy sa bangkay at mapanagot ang suspek.




Facebook Comments