Katawan ng batang lalaki, natagpuang palutang-lutang sa isang lawa sa Ireland

231
(Image: Getty)

Natagpuang palutang-lutang sa lawa ang katawan ng isang 5-anyos na lalaki mula Ireland na naiulat na nawawala nang mahulog mula sa bangka habang kalaro ang kanyang mga kapatid.

Sa ulat ng pulisya, nahulog daw ang paslit habang kasama niya ang mga kapatid bandang 6:30 pm noong Lunes.


Narekober ang bangkay matapos umano ang isang buong araw na paghahanap sa lawa.

Labis namang ikinagulat ng komunidad ang naturang trahedya.

Nagsimula raw ang kanilang paghahanap noong Lunes ng gabi nang mangyari ang insidente at natuloy nong umaga ng Martes.

Sa tulong ng coast guard helicopter at divers na naghanap din sa ilalim ng tubig, maging ang team na nakisali sa operasyon ay nakita ang bangkay.

Sabi naman ng kaibigan ng pamilya ng biktima, ang naturang bata ay bunso umano sa limang magkakapatid.




Labis ang pagdadalamhati ng pamilya ng paslit.

Facebook Comments