KATAWAN NG BINATILYONG NALUNOD SA SAN FABIAN BEACH, NATAGPUAN NA

Patay na nang matagpuan ang bangkay ng isang 17 anyos na bata na unang napaulat na nalunod sa San Fabian Beach.

Nakilala ang biktima na residente ng Brgy. Anambongan, Basista, Pangasinan.

Ayon sa kasama nito na naligo sa dagat, Malalaking alon umano ang humampas sa mga ito dahilan upang sila ay tangayin at malunod ang kaniyang kasama.

Ilan sa mga nakasaksi ng insidente, pinaniniwalaang posible umanong nakainom ito.

Nagtagal ang search and rescue operation ng halos labing siyam na Oras.

May paalala naman ang mga residente sa coastal water sa bayan para sa mga lokal na turista lalo ngayong panahon.

Samantala, natagpuan ang bangkay ng binatilyo isang milya ang layo mula sa dalampasigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments