KATAWAN NG ISANG 64-ANYOS NA LALAKI, NAREKOBER NG REGIONAL MOBILE FORCE BATTALION 2

CAUAYAN CITY – Narekober ang katawan ng isang 64-anyos na lalaki sa isinagawang Search and Rescue Operation ng Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB2).

Kinilala ang biktima na si Loreto Ragsac, may asawa at residente ng Caronan Street, Caritan Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Huli umanong nakasama ng kanyang pamilya si Loreto noong ika-25 ng Oktubre kung saan ay umalis ito gamit ang motorsiklo upang asikasuhin umano ang garden nito malapit sa kanilang bahay.


Samantala, bago mangyari ang insidente ay isang witness naman ang nag-ulat na huli niyang nakita ang biktima na tinatangka nitong tawirin ang Atulayan spillway para mailigtas ang mga alagang kambing.

Sa kasamaang palad, dahil sa mabilis na agos ng tubig ay hindi na nito nagawa pang makaakyat sa ligtas na lugar at tuluyan ng nalunod.

Facebook Comments