Katawan ng Isang Lalaki, Natagpuang Patay sa Loob ng kanyang Kwarto

132

Cauayan City, Isabela- Natagpuan sa loob ng kanyang kawarto ang katawan ng isang lalaki na walang ng buhay sa Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Joelmar Guillermo, 48 anyos, may asawa, driver at residente ng Santos District, Quezon, Isabela.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Cauayan City, nagkaroon ng kasiyahan ang biktima kasama ang kanyang dalawang katrabaho na nauwi sa inuman kagabi at nang matapos ang inuman pasado alas dyes kagabi ay nagtungo na ang biktima sa kanyang kwarto kung saan siya pansamantalang tumutuloy.

Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, narekober kaninang umaga ang wala ng buhay na katawan ng biktima na nakahandusay sa kanyang higaan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestgasyon ng Crime Laboratory sa dahilan ng pagkamatay ng biktima.

 

Facebook Comments