LALAKING HINDI UMANO NAKAPASA SA JOB INTERVIEW, NAMATAANG NAKABIGTI SA LA UNION

Nakabigti at wala ng buhay ang isang kwarentay syete anyos na seaman nang matagpuan ito sa puno ng mangga sa Brgy. Udiao, Rosario, lalawigan ng La Union.

Napag-alamang ang biktima ay residente ng Brgy. Poro, siyudad ng San Fernando sa lalawigan.

Base sa report ng Rosario Police Station, napag-alaman na naglalakad sa bukirin ang nagngangalang “Ramon” nang makita nito ang isang katawan na nakabitin sa isang puno ng mangga gamit ang tali.


Agad niya itong ipinagbigay alam sa kinauukulan kung saan nagtungo agad sa lugar.

Ayon sa kaanak ng biktima, nagtungo umano ito sa lungsod ng Maynila para sa kanyang Job Interview ngunit nang sumunod na araw ay tumawag ito sa kanyang asawa at ipinagbigay alam nitong hindi ito pinalad na makapasa.

Sa mga sumunod naman na oras ay hindi na nito sinasagot ang mga tawag ng kanyang asawa.

Samantala, natagpuan ang sasakyan nito na inabandona sa TPLEX.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kung saan inaasahang sasailalim ito sa otopsiya upang madetermina kung may nangyaring foul play.###

Facebook Comments