KATAWAN NG ISANG MANGINGISDA, NATAGPUANG PALUTANG-LUTANG SA BAYBAYIN NG STA. ANA

CAUAYAN CITY – Natagpuang palutang-lutang at wala nang buhay ang isang mangingisda sa bahaging baybayin ng Brgy. Diora-Zinungan sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Arturo Redolia, 57-anyos, walang asawa, at residente ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ng kapulisan ng PNP Sta. Ana, ika-3 ng Oktubre ay pumalaot umano si Redolia upang mangisda subalit tinamaan ng malakas na alon dahilan upang lumubog ang kanyang sinasakyang bangka.


Sinubukan pa umano ng biktima na lumangoy patungong pampang ngunit dahil sa lakas ng alon ay nalunod ito.

Nakita na lamang ng ilang mamamayan ang katawan ng biktima na palutang-lutang kaya naman itinawag nila ito sa mga awtoridad at isang retrieval operation ang isinagawa.

Samantala, ayon sa huling impormasyong nakuha ng IFM News Team kay Investigator Pat Neil Nicolas ng PNCO ay nailibing na umano ang biktima.

Facebook Comments