KATAWAN NG LALAKI, NATAGPUAN SA ILOG SA SAN CARLOS CITY

Bumungad sa ilang Kabataan ang palutang-lutang na katawan ng isang lalaki sa ilog sa bahagi ng Brgy. Pangpang, San Carlos City, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, huling nakita ang biktima gabi ng September 20 ngunit bigong makauwi sa kaniyang pamilya.

Dagdag ng kaanak ng biktima, maaring lasing ito nang malunod sa ilog. Dumaranas din umano ito sa mental health condition at matagal nang tumigil sa pag-inom ng gamot.

Kumbinsido ang pamilya ng biktima na walang foul play sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments