KATAWAN NG LALAKI, NATAGPUANG WALA NG BUHAY SA KALSADA SA SAN NICOLAS, PANGASINAN

Wala nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa bahagi ng Brgy. Nagkaysa, San Nicolas, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, Nakita ito ng dalawang lalaking dumaan sa naturang lugar at agad na isinangguni sa awtoridad.
Kinumpirma ng mga rumespondeng pulisya na duguan nang makita ang katawan ng biktima. Nakilala ito na isang 42 anyos at residente sa nasabing bayan.
Napag-alaman din na nagtamo ng saksak sa kanang bahagi ng dibdib ang biktima na dinala pa agad sa pagamutan, subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad ukol dito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments