Katawan ng Lalaking Nalunod, Hindi pa Matagpuan!

Angaddanan, Isabela – Kasalukuyang pinaghahanap pa rin ng otoridad ang katawan ng isang lalaki matapos malunod sa Cagayan River sa Barangay Viga, Angadanan, Isabela sa nakalipas na March 31,2018.

Kinilala ang biktima na si Rexie Tumbaga, 21 anyos, drayber at residente ng Barangay Aliman, Cauayan, Isabela.

Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan News Team, nagtungo umano ang biktima kasama ng kaniyang pamilya sa Cagayan River malapit sa nasabing barangay upang mag-swimming o maligo.


Kinalaunan ng sila ay makarating sa nasabing ilog at matapos kumain ay agad na lumusong sa tubig ang biktima at isa pang lalaki na kinilala si Jack Maurisio papunta sa gitnang bahagi ng ilog na naging dahilan upang ito ay malunod samantalang mapalad namang nakaligtas si Maurisio.

Ayon sa kaanak ng biktima ay marunong naman umanong lumangoy si Tumbaga ngunit agad paring rumisponde ang MDRRMC Cauayan at Angaddanan kasama ang nakapalibot na kapulisan at mga miyembro ng BFP ngunit hindi na makita at mahanap ang katawan ng biktima

Facebook Comments