Katawan ng magsasaka, Natagpuang naagnas sa Maisan

28

Cauayan City, Isabela- Natagpuan na naaagnas ang katawan ng isang magsasaka sa maisan bandang 10:30 kahapon ng umaga sa Barangay Calaogan, Piat, Cagayan.


Kinilala ang biktima na si Danilo Gregorio, 45-anyos, walang asawa at residente sa nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, umalis ng kanilang bahay ang biktima nitong August 11 at bigong makabalik hanggang sa natagpuan nalang ang kanyang wala ng buhay na katawan.

Una rito, natagpuan ng isang nagngangalang Alvin Agpaoa na residente rin sa lugar ang katawan ng biktima na naagnas na.

Agad naman naman niya itong ipinagbigay alam sa kapitan ng barangay at hiningi ng tulong sa mga otoridad.

Narekober sa tabi ng katawan ng biktima ang dalawang (2) bote ng alak na may hinaluan ng insecticide at isang suicide notes na ‘“JHEN MADI KAYO AGAPAPA KEN ROBIN I LOVE YOU ANAK KO ADRIAN ROBIN JHEN BABY BILOG PAALAM I LOVE YOU ALL’ maging ang litrato ng kanyang pamilya.

Kumbinsido naman kaanak ng biktima na nagpakamatay ang biktima.




Facebook Comments