Katawan ng Magsasakang Nalunod, Narekober Na!

Ramon, Isabela- Narekober na ang katawan ng isang lalaki matapos itong malunod sa Brgy. Ambatali, Ramon, Isabela dakong alas singko kahapon kahapon June 2, 2018.

Kinilala ang nasawi na si Salvador Balagso, 45 anyos, may-asawa, magsasaka at residente naman ng Brgy. Burgos, Ramon, Isabela.

Sa Ibinahaging impormasyon ni PO2 Joel Nastor, imbestigador ng PNP Ramon, kasama umano ng biktima ang kanyang pamilyang nagtungo sa ilog sa naturang barangay upang magbonding at mag swimming.


Dagdag pa rito, lumangoy umano si Balagso sa maykalalimang bagahi ng ilog at dahil umano sa lakas ng agos ng tubig ay natangay nito ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkalunod.

Samantalang isang concerned citizen naman umano ang tumawag sa himpilan ng kapulisan upang ipagbigay alam ang naturang insidente.

Agad namang rumesonde ang kapulisan sa nasabing insidente at dakong alas onse y medya na kagabi ng marekober ang katawan ng biktima sa lugar na malapit na sa Ifugao.

Facebook Comments