KATAWAN NG MANGINGISDA, NAREKOBER SA BAYBAYIN NG DAGUPAN CITY

Narekober ng awtoridad ang bangkay ng isang lalaki sa baybayin ng Bonuan, Binloc, Dagupan City.

Kinilala ang biktima na isang 68 anyos na mangingisda at residente rin sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, natagpuan ng kasamahang mangingisda ang katawan ng biktima habang naghahanda nang pumalaot.

Lumalabas na kawalan ng hangin ang dahilan ng pagkamatay ng biktima bago tuluyang malunod.

Wala naman nakitang foul play sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments