KathNiel, kabisado na raw ang isa’t isa

Hindi na raw naba-bother si Kathryn Bernardo sa “seven-year itch” nila ni Daniel Padila.

Ayon kay Kathryn, baligtad ang nangyayari sa kanila ng boyfriend na si Daniel dahil kahit matagal na silang magkasama, maraming magagandang nangyayari sa kanila ngayon.

Ang “seven-year itch” ay isang psychological term na taon kung saan madalas raw nagkakahiwalay ang magkasintahan o mag-asawa.


Aminado  naman si Kathryn na nagkakaroon din sila ng problema ni Daniel pero napag-uusapan naman raw nila ito at naha-handle nang tama dahil umano sa nag-mature na sila at timplado na nila ang bawat isa.

Facebook Comments