Kathryn at Alden, magkasama na din sa commercial

Screenshot via Magnolia Ice Cream Facebook Page

Kamakailan, ipinalabas ang telebisyon ang bagong commercial ng isang ice cream brand na pinagtatambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Perfect timing raw ito sa pelikulang ginagawa nila na Hello Love, Goodbye under Star Cinema. Ang naging tema ng Magnolia commercial ay ‘kakaibang sarap ng Pinoy with a twist.’

Kaya naman twist of emotions ang naramdaman ng ilang mga fans nung mapanood ito. Ayon sa ilang netizens, tamang panahon na rin maipareha sila sa iba’t-ibang tao. Kailangan din nila ‘mag-grow’ bilang magagaling na artista.


Samantala, umalma ang ilang supporters ni Yaya Dub sa TVC ng Magnolia. Dapat daw i-boycott rin ang brand na mismong ineendorso ni Alden.


Matatandaan na si Maine Mendoza ang dati niyang kasama sa commercial.

Facebook Comments