You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Kathryn Bernardo, ano pa nga ba ang biggest goal sa buhay?

Itinuturing na biggest goal ng aktres na si Kathryn Bernardo ang makabalik sa pag-aaral.

Ibinahagi ito ng aktres kung saan kasama na ang kanyang planong kuhaning kurso sakaling ituloy niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Bagama’t umaarangkada ang kanyang karera bilang isang artista, inamin ni Kath na gusto niya pa ring makabalik sa pag-aaral.

Sa kanyang pinakabagong vlog kasama ang kapwa aktres na si Sofia Andres, ibinahagi ni Kath ang mga gustong gawin sa buhay sakaling hindi na siya mag-aartista.

Kasama rito ang pagiging makeup artist, pagtatrabaho sa likod ng camera at sakaling mabigyan ng pagkakataon na makapag-aral ng kolehiyo, kukuha rin siya ng Marketing o Communication Arts.

Hindi naman isinasarado ni Kath ang kanyang pintuan sa mga maaaring mangyari sa hinaharap.

Sa ngayon payo ni Kathryn sa kaniyang fans, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang kahit na sino kahit ano pa man ang edad dahil darating ang panahon na maaabot natin ang ating pangarap.

Facebook Comments