Kathryn Bernardo at Nadine Lustre, nominado bilang Best Actress sa 43rd Gawad Urian

104

Nominado bilang Best Actress sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre sa 43rd Gawad Urian Awards.

Na-nominate Si Kathryn, sa kaniyang pelikulang “Hello, Love, Goodbye’’ habang si Nadine naman ay sa pelikulang “Ulan.”

Kung muling magwawagi si Nadine, ito ang kanyang back-to-back victory matapos tanghaling Best Actress noong nakaraang taon para sa pelikulang ‘Never Not Love You.’

Kabilang din sa mga nominado bilang best actress sina Bela Padilla, Alessandra de Rossi, Jean Garcia at Janine Gutierrez.

Sa ngayon, walang pang anunsyo ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) kung kailan at saan gaganapin ang awarding ceremony ng 43rd Gawad Urian Awards.

Facebook Comments