Kathryn Bernardo hindi nakikita si Julia Barretto bilang on-cam partner ni Daniel Padilla

Image via Star Magic

Tila hindi sang-ayon si Kathryn Bernardo na ipareha si Julia Barretto sa nobyo nitong si Daniel Padilla.

Sa programang “Tonight with Boy Abunda” noong Biyernes, pinaliwanag ni Bernardo kung bakit hindi umano bagay si Barretto maging leading lady ni Padilla.

“Feeling ko too young… parang si Janella [Salvador] kanina,” Bernardo said, referring to her reaction when Janella Salvador was earlier presented as one of the choices. “Parang masyado nang bata for DJ kasi ngayon, medyo pa-lolo na siya eh,” pahayag ng celebrity. 


Sa nasabing episode, ipinakita kay Kathryn ang litrato ng iba’t-ibang aktres at hiningan ng reaksyon kung sino sa tingin niya ang maaring maging loveteam partner ni Daniel sa mga susunod na proyektong gagawin.

Maliban kay Julia, hindi din pinili ni Kathryn si Nadine Lustre para maiwasan umano ang fandom wars sa pagitan ng KathNiel at JaDine fans.

“Nag-no ako kay James para walang gulo, so, e di goodbye para tahimik na ‘yung dalawang fandoms,” saad ng binansagang ‘Teen Queen’.

Hindi rin nakapasok sa listahan ni Bernardo si Janella Salvador. Paglilinaw ni Bernardo, mas maganda kung magsasama sila sa isang music project dahil magaling kumanta ang dalawa.

Samantala, sinabi nitong bagay maging leading lady ni Padilla sila Maine Mendoza, Kim Chiu, Maymay Entrata, at Pia Wurtzbach.

Nag-guest si Kathryn sa naturang programa para i-promote ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na pinagbibidahan nila ni Alden Richards.

Facebook Comments