Kathryn Bernardo, kabado at excited sa shooting ng bago niyang movie sa Hong Kong

‘Mixed emotions’ ang feeling ngayon ng aktres na si Kathryn Bernardo kasabay ng kanyang solo journey sa Hong Kong.

 

Kaugnay ito ng pagsisimula ng shooting ng bago niyang pelikula kung saan makakatmbal niya ang pambansang bae na si Alden Richards.

 

Say ni Kath, kinakabahan siya pero excited para sa bago niyang movie kahit hindi kasama ang onscreen partner niyang si Daniel Padilla.


 

Excited daw siyang ipakita sa lahat ang buhay ng mga domestic worker sa Hong Kong.

 

Ang pelikulang “hello, love, goodbye” ay sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Facebook Comments