Kathryn Bernardo, muntikan nga bang mag-back out sa pelikula?

78
File photo

Ipinahayag ni Kathryn Bernardo na muntikan na siyang mag-book ng flight pabalik ng Pilipinas habang nagta-taping ng “Hello, Love, Goodbye”, pelikulang katambal si Alden Richards.

Isa sa mahigpit na ipinagbabawal ni Direk Cathy Garcia- Molina ang paggamit ng cellphone habang nasa set o taping ng nasabing pelikula.


Ayon kay Direk Cathy, pwedeng magalit at magmura si Kathryn sa kaniya ngunit bawal lamang mag-walkout. Pinagbawalan si Kathryn na gumamit ng phone sa set upang mas lalong makatulong ang karakter na Joy sa pelikula.

Sinabi ring hindi kinausap ni Kathryn ang mga katrabaho na lalo niyang ikinalungkot. Gusto ni Kathryn makausap si Daniel ngunit kinonfiscate ang phone nito.

“Noong first week ko, ‘yon yung sinabi ko na umiiyak ako every night. Gusto ko magpa-book ng ticket pauwi,” pahayag ni Kathryn.

“Ayoko na tapusin ‘yung movie kasi hirap na hirap na ako,” dagdag ng aktres.

Sinabi ring hindi pinakita si Daniel nang pumunta ito ng Hongkong para surpresahin siya dahil heavy scene ang shooting.

Facebook Comments

From Advertisers